Down The Book Cubbyhole

The Geeky Adventures of a Bookish Girl

Mga Agos sa Disyerto — Efren Abueg, Dominador Mirasol, Rogelio Ordoñez, Edgardo Reyes, Rogelio Sikat

16370465

Pangunahing kathang Pilipino na aking nabasa—ang Mga Agos sa Disyerto ang nagpamulat sa aking pagiging dayuhan sa literaturang Pilipino. Katulad ng karamihan sa mga kabataan ngayon na matinding naimpluwensyahan ng kulturang Kanluran, ang salitang “Philippine Literature” ay kaalinsabay ng salitang “corny”—dahilan ng malimit kong paglampas sa Filipiniana section sa tuwing ako’y napapagawi sa book stores.

Binubuo ng 25 maiikling kathang naisulat sa Filipino, ang Agos ay sumasalamin sa mabibigat na isyung kinakaharap ng Pilipinas na tila hindi pa rin nareresolba hanggang sa ngayon. Ang mga karakter sa istorya ay punong-puno ng poot at paghihimagsik—sa mga dayuhan, kapwa Pilipino, sa bayan, mga pulitiko, at maging sa kanilang sarili—hindi na kagulat-gulat kung ang mga mambabasa ay lubos na maapektuhan sa mga isyung sinaklaw ng mga kwentista. Masalimuot man ang tinangkang galugarin ng mga ito, at kathang-isip (fiction) mang sabihin, hindi nawawala ang realistikong tema sa bawat istorya. Walang “exaggeration”, walang pagkukunwari, purong realidad lamang. Maaamoy mo ang bantot ng kapaligiran ng mga maralita, ang nagsisituluang pawis at anghit ng mga trabahador, ang matamis na langhap ng nayon, namumuong mga pangarap, malansang amoy ng dugo, ang pait ng pighati, ang putikang lupa. Nanunuot sa dibdib ang epektong ipinararanas ng bawat istorya. Mabigat.

Kagila-gilalas rin ang ipinamalas na teknik ng mga manunulat sa bawat istorya. Dahil nilabag nila ang kombensiyon ng komersiyal na panunulat, naging malaya sila sa pagpapahayag ng kanilang sining sa pamamagitan ng pagmamalas ng kagulangang konteksto (maturity context) sa mga ito. Walang naitatago—ang dahas ay malinaw na naipahayag; ang karukhaan ay sadyang naipakita; ang murahan ay likas na kabilang sa mga usapan; at ang mga sekswal na aktibidades, hindi man maliwanag na tinalakay, ay naipahayag pa rin ng malinaw sa mga mambabasa.

Tuyot man ang daigdig ng panitikang Pilipino, ginawan ito ng nag-uumapaw na dalayday nina Efren Abueg, Dominador Mirasol, Rogelio Ordoñez, Edgardo Reyes, at Rogelio Sikat. Patunay na ang literaturang Pilipino ay hindi tuluyang magiging isang malawak na disyerto.

 

Rating: ★★★★✰

Single Post Navigation

3 thoughts on “Mga Agos sa Disyerto — Efren Abueg, Dominador Mirasol, Rogelio Ordoñez, Edgardo Reyes, Rogelio Sikat

  1. don juan on said:

    Saan po kayo nakabili ng copy po ng Mga agos sa disyerto?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

still not mister successful.

Joshua Maria Peter Bautista

Cinderella Stories

The Cinderella who loves reading

DIARYhea

Entries about School, Teaching, Books, Gala, and Girl stuff from POV of a mermaid.

bluenibra.wordpress.com/

I'm Arbin. I write things. They write me.

PILIPINONG KATOLIKO

"Hiyas ng Minanang Pananampalataya"

The Daily Patrick

If there is a Daily Prophet, there is a Daily Patrick.

TheCoevas official blog

Strumentisti di Parole/Musicians of words

Full Of Roses Inspirationals

Christian inspirational photography and poetry

Pixie Stargirl

"When a stargirl cries, she sheds not tears but light." —Jerry Spinelli

empressm

Just another WordPress.com site

Reviews and Musings From a Geek

A geek-themed collection of reviews covering books, films, TV shows, and games

Jeyna Grace ©

Imagination, the perfect form of escapism.

The WordPress.com Blog

The latest news on WordPress.com and the WordPress community.

%d bloggers like this: